Ang planong ito ng Pangulo ay kanyang inihayag matapos dumalaw sa burol ni Yap sa Basilan upang minsan pang makiramay sa pamilya ni Ediborah.
Pinuri ng Presidente ang katapangan at lakas ng loob ni Ediborah habang nasa kamay ng Abu Sayyaf sa loob mahigit isang taon.
Kasabay nito, namahagi rin ang Pangulo ng mga tseke para sa mga pangkabuhayan at proyekto sa Basilan bukod pa sa tulong sa may 93 GMA scholars sa limang bayan sa Basilan.
Namahagi din ang Pangulo ng Philhealth insurance cards at tseke mula sa Department of Agriculture para sa agri-modernization program sa naturang lalawigan.
Samantala, binigyan ng Pangulo ng tulong pinansiyal ang 11 sundalo na nasugatan sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf.
Aabot sa tig-P50,000 ang ipinagkaloob bilang pagkilala sa sakripisyo nito upang laban ang mga bandido at proteksiyunan ang taumbayan. (Ulat ni Ely Saludar)