^

Bansa

Erap itsa-puwera na rin sa MRT, GMA tickets ipapalit

-
Sisimulan nang ibenta ng EDSA Metro Rail Transit (MRT) ngayong Lunes ang 250,000 stored value tickets (SVTs) kung saan litrato na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at di ni dating pangulong Joseph Estrada ang nakaimprenta.

Di lang iyan ang magaganap na pagbabago, ayon kay Transportation and Communications Secretary Pantaleon ‘‘Bebot’’ Alvarez, mula sa halagang P200 ay ibababa na rin sa P100 ang value sa SVTs na puwedeng mabili.

Ayon sa DOTC, napakapopular na ngayon ng mass rail transits tulad ng MRT at Light Rail dahil bukod sa mababa ang pasahe sa mga ito ay di ito apektado ng mabagal na usad ng trapiko sa mga lansangan.

Niliwanag rin ni EDSA MRT-3 general manager Mario Miranda na ni isang kusing ay walang ginasta ang gobyerno sa pagpapalit ng SVTs dahil ang mga bagong ticket ay sinagot ng AAMES Group of Companies, sa ilalim ng kasunduan na magkakaroon ng advertisement ang AAMES sa nasabing tickets.

Ayon kay Miranda, walang exclusive contract ang AAMES sa MRT kung kaya’t puwede ring gayahin ng ibang kumpanya ang sponsorship nito ng MRT tickets. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALVAREZ

AYON

DANILO GARCIA

GROUP OF COMPANIES

JOSEPH ESTRADA

LIGHT RAIL

MARIO MIRANDA

METRO RAIL TRANSIT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY PANTALEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with