^

Bansa

GMA pinagalitan sina Sto.Tomas at Soriano

-
Binasag na ni Pangulong Arroyo ang kanyang katahimikan kaugnay ng bangayan sa pagitan ng mga labor officials at animo’y mga batang pinagalitan sina Labor Secretary Patricia Sto. Tomas at OWWA Administrator Wilhelm Soriano sa kanilang awayan hinggil sa mga nawawalang pondo para sa mga overseas Filipino workers.

Sinamantala ng Pangulo ang pagsermon kina Sto. Tomas at Soriano matapos na pangunahan nito ang pagdiriwang ng Migrant Workers Day sa Malacañang. Pinatatahimik ng Pangulo sina Soriano at Sto. Tomas at dapat aniyang umiwas sa mga personal na alitan dahil ang naapektuhan dito ay ang kanilang pagseserbisyo sa mga OFWs. Mas makabubuti umanong hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa pagkawala ng P1.2 bilyon. (Ulat ni Ely Saludar)

ADMINISTRATOR WILHELM SORIANO

BINASAG

ELY SALUDAR

LABOR SECRETARY PATRICIA STO

MIGRANT WORKERS DAY

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SORIANO

STO

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with