Administration senators na-coup dahil sa kapabayaan
June 6, 2002 | 12:00am
Pagpapabaya sa trabaho ang siya umanong dahilan sa naganap na kudeta sa Senado kamakalawa.
Ayon kay Partido ng Masang Pilipino (PMP) spokesman Crispin Remulla, kung noon pay tinutukan na ng mga kinauukulang senador ang kanilang mga trabaho bilang committee chairmen, hindi na sana umabot sa sigalot na naganap.
Sa halip aniya na unahin ng magigiting na senador ang kanilang responsibilidad bilang mambabatas, lumalabas na para silang naging mga utusan umano ng mga indibidwal para patuloy na makatakas sa kanilang mga pananagutan.
Una umano sa listahan si Sen. Joker Arroyo na ginawa anya ang lahat para idiin si Pacifico Marcelo sa tinatawag na telecom scam at upang huwag madawit sa iskandalo si First Gentleman Mike Arroyo.
Isinisi rin ni Remulla kay Arroyo ang hindi umano pag-usad ng imbestigasyon sa mga revelation ni Robert Rivero, ang nagbunyag sa diumanoy pakikialam ni Mike Arroyo sa pondo ng PCSO para sa 2004 kampanya umano ng kanyang asawa.
Kasama rin sa listahan si Sen. Rene Cayetano dahil sa pagtanggi nitong ipatawag si dating Pangulong Ramos kaugnay sa isyu ng maanomalyang mga kontratang pinirmahan sa pagitan ng kanyang administrasyon at ng mga independent power producers (IPPs).
Matagal na umanong pinapatawag ni Sen. John Osmeña sa Senado si Ramos para makapagpaliwanag pero mariin ang pagtanggi nito.
Hindi umano sana nangyari ito kung nag-asal presidente si Ramos at pinaunlakan na lamang ang imbitasyon ng Senado imbes na magpahayag ng kung anu-anong dahilan para hindi siya sumipot. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest