US atat nang sumagupa sa Sayyaf

Ibig nang direktang sumagupa ng mga tropang Kano sa mga bandidong Abu Sayyaf upang iligtas ang dalawang Amerikanong bihag na sina Martin at Gracia Burnham.

Ito ang rekomendasyon ni Admiral Thomas Fargo, pinuno ng US Asia Pacific Command dahil sa pagkabigo ng AFP na iligtas ang mga hostage.

Bukod sa mag-asawang Burnham, hawak pa rin ng mga bandido ang Pinay nurse na si Ediborah Yap.

Ang rekomendasyon ay ihaharap umano sa pamahalaang Pilipinas para aprubahan.

Sinabi naman ni Sen. Rodolfo Biazon na tututulan niya ang rekomendasyong ito na "pang-insulto" sa kakayahan ng AFP.

Nauna nang nag-alok ang US government ng $5 milyong pabuya sa ikadarakip ng 5 top leaders ng Abu Sayyaf.

Ayon kay US Defense Sec. Donald Rumsfeld, pinagpupulungan na ngayon ang panukala ni Fargo at inaasahang dedesisyunan anumang oras.

Show comments