Kailangan aniyang matukoy ang mga sinasabing nangutang at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbabayad. Kung masasampahan ng kaso ang mga ito, mapipilitan aniya silang magbayad.
Ginawa ni Barbers ang paghamon matapos tumanggi si GSIS president Winston Garcia na isiwalat ang mga negosyante at pulitikong may malaking pagkakautang sa GSIS.
Layunin din ni Barbers na malinis ang pangalan ng mga mambabatas na nasangkot sa naturang isyu.
Matatandaan na naghain ng isang resolusyon si House Deputy Speaker for Visayas Raul Gonzales na naglalayong imbestigahan ang mga negosyante at pulitikong hindi nakakapagbayad ng kanilang utang sa mga government financial institution, partikular sa GSIS at Land Bank. (Malou Rongalerios-Escudero)