^

Bansa

Jalosjos hinahanapan na ng kapalit

-
Magkakaroon na ng kapalit bilang kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga del Norte si dating Congressman Romeo Jalosjos.

Tinanggap kahapon ng House committee on suffrage and electoral reforms ang ilang pag-amyenda sa House Resolution 542 na naglalayong lagyan ng kinatawan ang dating distrito ni Jalosjos.

Nakasaad din sa resolusyon na dapat magkaroon ng isang special election para mapunan ang nabakanteng posisyon at maaari umano itong gawin sa Hulyo 15, 2002 kasabay ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ang pagpapatawag ng eleksiyon ay base sa nakasaad sa Republic Act 6645 na dapat maglagay ng tao kapag nagkakaroon ng bakanteng posisyon sa Kongreso. Itinakda rin ng batas na sa sandaling aprubahan ng Kongreso ang resolusyon, ay kinakailangang agad magpatawag ng isang special election ang Commission on Elections (Comelec).

Subalit sinabi ni Atty. Mamasapunod Aguam, executive director ng Comelec na hindi maaaring isabay ang gagawing special election sa barangay at SK elections.

Ang pagsasagawa umano ng special election para sa kinatawan ng Kongreso ay isang partisan, samantala ang synchronized barangay at SK elections ay non-partisan.

Sa halip, iminungkahi ni Aguam na isagawa na lamang ang special election, 45 araw pagkatapos ng Hulyo 15, 2002 barangay at SK polls.

Ayon kay Aguam, hindi madaling humawak ng tatlong sabay-sabay na election dahil ang Board of Election Inspectors na humahawak dito ay tatlong tao lamang. (Malou Rongalerios-Escudero)

AGUAM

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

COMELEC

CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

ELECTION

HOUSE RESOLUTION

HULYO

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MAMASAPUNOD AGUAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with