Sinabi ni Punongbayan na kaya nilang pangasiwaan na paganahin at i-operate ang nuclear power plant at ito ay malaking tulong para makaiwas ang Luzon sa matinding blackout.
Binatikos din niya ang mga environmentalist na humahadlang sa pagpapagamit sa plantang nukleyar sa bansa.
Ayon kay Punongbayan, pang-short term lamang ang iniisip ng mga environmentalist gayong ang kanilang iniisip ay pangmatagalan.
Ilalagay naman anya ang plantang ito sa mas ligtas na lugar na walang maapektuhang mamamayan at kapaligiran dahil kailangan lamang dito ay pangasiwaan ng maayos para hindi makaapekto sa sinuman.
Isa ang Bataan Nuclear Power Plant na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa napapakinabangan matapos na gumastos dito ang pamahalaan ng bilyong piso mula sa kaban ng bansa. (Angie dela Cruz)