Roco ipinapagpaliwanag ng senado

Kinuwestiyon ng Senado si Education Sec. Raul Roco kung bakit aalisin nito ang NEAT (National Elementary Achievement Tests) at ang NSAT (National Secondary Achievement Tests) sa papasok na school year.

Ayon kay Senate Majority Leader Loren Legarda, dapat na ipaliwanag ni Sec. Roco ang basehan ng hakbang na ito dahil maaaring imbes na mapabuti nito ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay baka makasama pa ito.

Base sa ulat, papalitan na ang NEAT at NSAT ng mga diagnostic tests dahil sa umano’y maling format nito.

Ani Legarda, sa mga nagdaang taon ay nakababahala ang resulta ng NEAT at NSAT exams dahil halos kalahati ng mga katanungan dito, partikular na sa major subjects (Math, Science at English) ay hindi nasagot ng mga estudyante.

Ayon sa mga report, nadismaya raw si Roco sa resulta ng NEAT at NSAT at sa klase ng questionnaires na ginagamit sa mga ito kaya niya pinapapalitan ito. (Rudy Andal)

Show comments