^

Bansa

Singil sa tubig tataas ng 400% sa 2003

-
Masamang balita sa mga residente ng Metro Manila.

Tinatayang aabot sa 400 porsiyento ang itataas sa singil sa tubig sa pagpasok ng taong 2003 dahil ipapasa umano ng mga concessionaires ang kanilang utang sa mga water consumers.

Sa pagdinig kahapon ng House committee on government enterprises kaugnay sa reklamo ng mga consumers sa mga concessionaires ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), natuklasan na magiging P25 per cubic meter na ang singil ng Manila Waters Company mula sa dating P6.75 samantalang P30 naman sa Maynilad Waters Services Inc. mula sa dating P15.46.

Nabatid na sa Hunyo 30 ay nakatakdang aprubahan umano ng MWSS ang petisyong ito ng dalawang nabanggit na concessionaires at ipatutupad naman sa unang araw ng Enero 2003.

Lumabas din sa isinagawang imbestigasyon na nakatakdang mangutang sa pitong bangko ang Maynilad nang $350 milyon para sa kanilang expansion program.

Sa ngayon ay $100 milyon pa lamang umano ang nakukuha ng Maynilad sa kanilang inuutang na ang ginagamit umanong garantiya ay ang mataas na singil sa tubig. (Malou Rongalerios-Escudero)

ENERO

HUNYO

LUMABAS

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MANILA WATERS COMPANY

MANILA WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

MASAMANG

MAYNILAD

MAYNILAD WATERS SERVICES INC

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with