PNP officials nagbabangayan sa posisyon ng PNP Chief
May 15, 2002 | 12:00am
Kahit na nakapag-desisyon si Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo na itatalaga niya bilang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) si PNP Deputy Director Hermogenes Ebdane ay patuloy ang pagbabangayan ng ilang mga PNP officials para sa posisyong iiwanan ni PNP Chief P/Director Gen. Leandro Mendoza sa Setyembre.
Para maibsan ang pagbabanggaan, nakatakdang pulungin ni Mendoza ang mga matataas na opisyal ng pulisya partikular na ang may potensiyal na maging hepe ng PNP.
Nauna nang lumabas ang isang pahinang advertisement na kumukuwestiyon sa desisyon ni Pangulong Arroyo sa maaaring ibunga kung sakaling ituloy nito ang paghirang kay Ebdane.
Sa pagkakagulo ng mga ilang opisyal ay nawawalan umano ang pagka-propesyonal ng mga ito na hindi magandang halimbawa sa organisasyon. (Joy Cantos, Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended