Binigyan ng direktiba ni Reyes si Acting VMMC head Ricardo Blancaflor na beripikahin ang anomalya partikular na ukol sa pinagbibiling mga medical supplies.
Ayon kay Rosulo Manlangit, DND Office of Public Affairs, ang pagkakadiskubre sa naturang anomalya ay mula naman sa report ni Bienvenida M. Montilla na siyang namumuno sa task force na nagsasagawa ng imbestigasyon.
Lakip din ng naturang ulat ni Montilla na wala pa umanong isinasagawang imbestigasyon sa nabanggit na anomalya ng VMMC mula pa noong 1993. (Joy Cantos)