^

Bansa

Namaril ng mayor tigok

-
Camp Miguel Malvar, Batangas -- Isang mayor ang nakaligtas sa kamatayan,kritikal naman ang bodyguard nito habang napatay ang nagtangkang pumatay sa una matapos itong pagbabarilin sa loob ng isang sabungan sa Taal, Batangas, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Rolando Lorenzo, Batangas Provincial Director ang biktimang si Taal Mayor Librado Cabrera, 54 at kasalukuyang nagpapagaling sa Lemery General Hospital sa tinamong sugat nito sa likod.

Samantala, namatay noon din sa lugar ang suspek na si Felipe Villamin, isang special agent ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila,asawa ng isang Taal councilor na si Aida Villamin, matapos siyang gantihan ng putok ng bodyguard ni Cabrera na si Herman Pesigan.

Si Pesigan ay nasa kritikal na kondisyon matapos tumama ang tatlong bala sa kanyang katawan nang kuberan nito ang mayor.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 ng madaling araw sa loob ng Taal Riverside Cockpit Arena sa Poblacion Zone 4 ay walang sabi-sabing pinagbabaril ni Villamin si Cabrera subalit mabilis na humarang si Pesigan.

Ayon sa source, lasing na lasing umano si Villamin ng pagbantaan nito na babarilin niya si Cabrera para matapos na ang pagpapanalo nito sa sabong.

Gayunman hinihinala ng mga kaanak ni Cabrera na motibong pulitika ang ginawang pamamaril ng suspek.

Napagalaman na dating masugid na taga-suporta ni Cabrera ang suspek pati na ang asawa nitong konsehal ng bigla na lamang itong humiwalay at sumama sa kalabang political group ni Cabrera. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AIDA VILLAMIN

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS

BATANGAS PROVINCIAL DIRECTOR

BUREAU OF CUSTOMS

CABRERA

CAMP MIGUEL MALVAR

FELIPE VILLAMIN

HERMAN PESIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with