Layunin ng Magna Carta for Older Persons o House Bill 975 na inakda ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar na mabigyan ng tamang atensiyon ang pangangailangan ng mga ito.
Iginiit ni Rep. Villar na panahon na upang kalingain ng husto ng gobyerno ang naturang sektor dahil hindi lamang respeto ang dapat ibigay sa mga ito kundi kaginhawahan para sa nalalabing sandali ng kanilang buhay.
Bukod sa kasalukuyang 20% discount sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan, hihikayatin din ang mga commercial establishments, malls at iba pang katulad na negosyo na magtatag ng "express lanes" para sa naturang sektor. Hindi na rin pagbabayarin ng buwis ang mga ito sa kanilang taxable income na hindi tataas sa P75,000.
Ayon sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority o NEDA, ang mga older persons ang bubuo sa 7 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa sa taong 2010. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)