Ayon kay US District Magistrate Lawrence Leavitt, ipinagpaliban sa Nob. 4 ang hearing para desisyunan kung dapat bang i-deport si Ang.
Si Ang ay kasalukuyang nasa custody ng US Marshals sa North Las Vegas jail at walang piyansang itinakda para sa kanya at posibleng maharap sa kasong kamatayan dahil ang kasong plunder na kinakaharap nito ay may katapat na bitay.
Gayunman, nilinaw ni Assistant US Atty. Gregory Damm na pinapayagan ng treaty ang US government na tumanggi o pumayag sa extradition.