^

Bansa

Pahirap na PPA hindi aalisin, ibaba lang

-
Tiniyak kahapon ni Pangulong Arroyo na kumilos na ang Malacañang upang maibsan ang pasanin ng publiko sa Power Purchase Adjustment (PPA) na ipinapatong sa singil sa kuryente.

Sinabi ng Pangulo na naihain na ang panukalang batas na isusulong ni Senador Rene Cayetano patungkol sa PPA, pero nilinaw na ang nais ng Malacañang ay maibaba ito at hindi maibasura na matagal nang inirereklamo ng mga consumers. "Hindi naman natin pinag-uusapan na aalisin ang PPA ang pinag-uusapan natin ay ibaba," paliwanag ng Pangulo.

Kahapon ay isinampa ni Sen. Cayetano ang Senate Bill No.2109 na humihiling na suspindihin ang PPA sa loob ng anim na buwan, mula Hulyo 2002 hanggang Enero 2003, o hanggang sa magkaroon na ng desisyon ang Energy Regulatory Commission tungkol sa kung magkano talaga ang universal charge ng Napocor.

Sinabi pa ni Cayetano, chairman ng Senate committee on energy na sa kanyang panukala ay ipupuwera sa PPA ang mga consumers na gumagamit ng kuryente na hindi hihigit sa 75 kilowatthour sa bawat buwan. Babawasan din ng 85 sentimos ang kasalukuyang P1.25 per kilowatthour at gagawing 40 centavos na lamang.

Inaasahan ni Cayetano na maisasabatas ang kanyang bill bago mag-recess ang Kongreso sa Hunyo 7. (Ulat nina Ely Saludar/Rudy Andal)

CAYETANO

ELY SALUDAR

ENERGY REGULATORY COMMISSION

MALACA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

POWER PURCHASE ADJUSTMENT

RUDY ANDAL

SENADOR RENE CAYETANO

SENATE BILL NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with