Walang benepisyo sa Political Summit
May 5, 2002 | 12:00am
Walang katuturan, walang patutunguhan.
Ito naman ang maanghang na deskripsiyon ni Arnold Obina, spokesman ng grupong Peoples Movement Against Poverty (PMAP) sa idinaos na political summit noong Biyernes na pinangunahan nina Pangulong Arroyo at Speaker Jose de Venecia.
"Para sa aming grupo walang malinaw na benepisyong matatamo ang ating bayan sa pagdaos ng isang political summit kung saan sila-sila rin ang nag-uusap at nagdedesisyon ukol sa landas na tatahakin natin," sabi ni Obina.
Hindi rin umano lilinaw ang landas patungo sa economic recovery kung puro mga bolerong taga-administrasyon ang pakikinggan ng Pangulo.
"Hindi ang statistika at mga mapambolang data ang dapat tutukan ng pamahalaan, kung hindi ang mga kumakalam na sikmura ng taumbayan. Habang ninanakawan sila ng karapatang magsalita ay walang mangyayari kahit ilan pang political summit ang idaos ng gobyerno," pahayag ni Obina.
Hinalintulad ni Obina ang political summit sa pagharang na ginawa ng kapulisan sa mga pro-Erap supporters na nabigong makilahok sa mga rali noong May 1.
Isa lamang umano ito sa maraming halimbawa ng pagkitil ng administrasyon sa karapatang pantao ng ating mga kababayan. Imbes bigyang laya ang bawat isang magpahayag ng kanilang damdamin, pinipiling isantabi ang kanilang opinyon upang pakinggan ang kanilang kapwa elitista, sabi pa ni Obina.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit walang simpatiyang inaani ang gobyernong Arroyo mula sa mga mahihirap. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest