Magkasubukan na lang sa 2004!
May 5, 2002 | 12:00am
Ito ang paghahamon ng Malacañang sa oposisyon kaugnay na rin ng lumalalang hidwaan sa pagitan ng administrasyon at Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).
Ipinagyabang ni Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino na kung merong pambato ang oposisyon ay mayroon din ang administrasyon at iyon ay si Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Rufino na kuwalipikado si Pangulong Arroyo sa 2004 elections at mas makabubuting dumaan muli ito sa isa pang pagsubok sa pamamagitan ng balota.
Ang pahayag ni Rufino ay bilang kumpirmasyon na rin sa pahiwatig ng Pangulo sa kanyang mensahe sa political summit na maaaring makatulad nito ang kapalaran ni dating US President Bill Clinton na sa kabila ng dinanas na krisis at bagsak na popularidad ay nakalusot ito sa re-election. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended