Pentagon top leader, 2 tauhan todas
May 5, 2002 | 12:00am
Napatay ang isang notoryus na lider ng Pentagon kidnap-for-ransom gang at dalawa nitong tauhan sa isang mainitang pakikipagsagupa sa magkakasanib na elemento ng militar at pulisya matapos umanong pumalag ang mga ito habang sinisilbihan ng warrant of arrest, kahapon ng umaga sa Pagalungan, Maguindanao.
Kinilala ang napatay na si Commander Kabilo Saguile, 39, kapatid ng isa pang lider ng Pentagon na si Commander Mayangkang Saguile.
Nabatid na si Kabilo ay may patong sa ulong P500,000 kapalit ng pagkaaresto o pagkakapatay rito at matagal ng wanted sa batas dahil sa pagkakasangkot nito sa 13 ibat ibang kaso ng kidnapping kabilang ang kontrobersiyal na pagdukot noong nakaraang taon sa limang Chinese nationals at kanilang Filipino interpreter.
Kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng dalawa nitong nasawing tauhan matapos na hindi magpakita sa mga awtoridad ang mga kamag-anakan nito upang kilalanin.
Sa nakalap na ulat, bandang 5:35 ng umaga ng magpang-abot ang grupo ng mga suspek at mga kagawad ng 602nd Brigade ng Phil. Army sa pamumuno ni Col. Cardoso Luna kasama ang mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na siyang may bitbit ng warrant of arrest.
Sa halip umanong sumuko matapos mapalibutan ng arresting team ay sinalubong ang mga awtoridad ng pagpapaulan ng mga putok ng mga suspek.
Tumagal nang 30 minuto ang engkuwentro hanggang sa mapatay ang tatlo. Nabawi ng militar mula sa mga napaslang ang M-16 armalite rifles at mga bala.
Tumanggap ng intelligence report ang militar na nagkukuta umano ang grupo ni Saguile sa naturang lugar kaya agad na bumuo ng task force upang arestuhin ito subalit nanlaban ang mga ito. (Ulat nina Joy Cantos,Rose Tamayo at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended