^

Bansa

Top commander ng Abu nalambat

-
Isang mataas na opisyal ng Abu Sayyaf at dating kasama ni ASG leader Khadaffy Janjalani ang bumagsak sa mga kamay ng pinagsanib na puwersa ng PNP Regional Command 12 Special Operations Group at Military Intelligence Group (MIG) sa isinagawang raid kamakalawa ng gabi sa isang Muslim village sa Sitio Kulasi, Brgy. Labangal dito.

Kinilala ni Baluyot ang naarestong si Sukarno Habib Yasin alyas Salip Abdullah, 46, isang Tausug at residente ng Maluso, Basilan.

Si Yasin ay nasa listahan ng most wanted na ASG na may patong sa ulo na P150,000 at nahaharap sa 61 iba’t ibang kaso ng kidnapping, murder, frustrated murder at illegal detention.

Sinasabing si Yasin ay kabilang sa mga ipinadala ng Abu Sayyaf sa Central Mindanao upang maghasik ng terorismo. Lumilitaw rin sa imbestigasyon na kasama ito sa dumukot at pumaslang kay St. Claret priest Fr. Roel Gallardo sa Tumahubong, Basilan.

Inamin umano ni Yasin sa ginawang tactical interrogation na dati siyang miyembro at tauhan ni MNLF renegade chairman Nur Misuari. (Ulat nina Teng Garcia at Boyet Jubelag)

ABU SAYYAF

BASILAN

BOYET JUBELAG

CENTRAL MINDANAO

KHADAFFY JANJALANI

MILITARY INTELLIGENCE GROUP

NUR MISUARI

REGIONAL COMMAND

ROEL GALLARDO

SALIP ABDULLAH

SI YASIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with