5 pang bomber dedo, 3 tiklo
May 2, 2002 | 12:00am
Muling umiskor ang magkakasanib na operatiba ng militar at pulisya matapos na mapaslang ang lima pang mga pinaghihinalaang suspek sa madugong pambobomba sa General Santos City sa dalawang magkahiwalay na engkuwentro kahapon sa Mindanao.
Base sa report, natunton ng mga elemento ng 6th Infantry Battalion ng AFP ang pinagtataguang safehouse ng mga suspek sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao at Davao del Sur matapos inguso ng ilang residente. Tatlo pa ang nadakip makaraang masukol habang papatakas.
Ang dalawang napatay sa Davao del Sur na kinabibilangan ng isang menor de edad ay kinilalang sina Mohammad Mogantor, 12, at tiyuhin nitong si Ustadz Munib "Lolong" arao, 31, isang Arabic teacher. Hindi pa kilala ang tatlong nasawi.
Nakilala naman ang mga naaresto na sina Idris Silongan, kapatid ni Kumander Long Silongan na kilala bilang kilabot na lider ng Pentagon kidnap-for-ransom group sa Mindanao; Datu Salam Paglas at Danny Kamilon.
Ang mga napatay ay pawang mga Muslim na umanoy binayaran ng P50,000 at may buwanang sahod na P12,000 para magsagawa ng mga pambobomba at kaguluhan. Kabilang umano ang mga ito sa nagpasabog sa Filmart Mall sa Gensan kamakailan.
Ayon kay Recom 12 Director P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, ang mga napatay na suspek ay mga kasamahang nakatakas ng apat na mga Gensan bombers na nasawi sa encouner kamakalawa.
Kinumpirma rin ni Baluyot na bukod sa nagkaroon na ng "tactical alliance" ang NPA splinter group, MILF at MNLF Lost Commnad at Abu Sayyaf upang magsagawa ng extortion, pambobomba at iba pang teroristang gawain sa Mindanao ay may isinasagawang "massive recruitment" umano ng mga kabataan ang nasabing mga grupo kaya hindi anya nakapagtataka kung may mga menor de edad na nasawi o naaresto na itinuturong sangkot sa serye ng pagpapasabog.
Nasamsam sa mga suspek ang isang sako ng ammonium nitrate, blasting caps, fuel oil, detonating cords at iba pang paraphernalias sa paggawa ng bomba, isang caliber .38 revolver, isang caliber .45, isang road map ng Davao City at mga subersibong dokumento na may pangalan ni MILF chieftain Hashim Salamat. (Ulat nina Rose Tamayo/Joy Cantos/Doris Franche at Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am