Bello kapalit ni Garcia sa GSIS

Nakatakda na umanong manumpa si dating Solicitor General Silvestre Bello III bilang bagong pangulo at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS) makaraang sibakin ni Pangulong Arroyo si Winston Garcia noong nakaraang Biyernes ng gabi dahil sa umano’y katiwalian na kinakaharap nito. Nabatid mula sa mapagkakatiwalaang impormante sa GSIS na nakalap sa Malacañang, si Bello umano ang napili ng Pangulo kapalit ni Garcia matapos itong tanggihan ni ex-Security and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay na unang inalukan ng nasabing posisyon. (Ulat ni Lordeth Bonila)

Show comments