Bar topnotcher inalok ni GMA sa gobyerno
April 14, 2002 | 12:00am
Inalok ni Pangulong Arroyo ang 2001 bar topnocher na si Rodolfo Ponferrada, Jr. na magtrabaho sa pamahalaan at sikaping mapanatili niya ang mataas na pamantayan ng katalinuhan na naitala sa propesyong abogasya.
Ang imbitasyon ay ginawa ng Pangulo nang magbigay-galang ang bagong abogado sa kanya sa Malacañang kasama ang kanyang mga magulang na sina Manila Regional Trial Court Judge Rodolfo Ponferrada at ina nitong si Quezon City RTC Judge Thelma Ponferrada.
Ang batang Ponferrada ay nagtamo ng markang 93.8 porsiyento, isa sa pinakamataas na naitala sa kasalukuyang kasaysayan ng pagsusulit sa bar. Si Ponferrada ay 25 taon nang nagtatrabaho sa Sycip-Salazar-Hernandez-Gatmaitan Law Offices. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended