^

Bansa

P11-M ransom hingi sa dinukot na lady broadcaster

-
Handang palayain ng mga kidnaper ang broadcast journalist ng Net 25 na si Arlene dela Cruz kung mababayaran nito ang P11 milyong ransom.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Sen. Noli de Castro sa isang press conference matapos nitong makausap ang emisaryo na si Prof. Max Jundam ng University of the Philippines (UP) na personal na nagtungo sa Sulu para makipagnegosasyon sa pagpapalaya kay dela Cruz.

Unang hiningi ng mga kidnaper na umano’y mga dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na may koneksiyon sa PNP at AFP integrees ang P40 milyong ransom hanggang sa maibaba na ito sa P11 milyon.

Wika ni de Castro, payag umano ang mga kidnaper ni Arlene na bayaran muna ang paunang P1 milyon at kanilang palalayain si Arlene.

Aniya, nakausap niya ang mismong nagbabantay kay Arlene na si Lakandula at siniguro nitong kapag nakabayad ng P1M paunang ransom ay palalayain nila ito habang ang balanse na P10M ay puwedeng bayaran na lamang kapag nakalaya na ang broadcaster.

Isang larawan din ang ipinakita ni Sen. de Castro sa media kung saan ay payat na ang journalist bukod sa mayroong skin disease. Si Arlene ay dinukot ng armadong grupo na pinangunahan ng isang Ronnie na umano’y tauhan naman ng isang PNP officer na MNLF integree noong Enero sa pag-aakalang may dala itong ransom payment para sa kalayaan ng mag-asawang Martin at Gracia Burnham na hostage ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni dela Cruz sa kanyang liham na ipinadala kay Prof. Jundam na kapag nakalaya siya ay ibubunyag niya ang kanyang nalalaman tungkol sa militar. (Ulat ni Rudy Andal)

ABU SAYYAF

ANIYA

ARLENE

CRUZ

GRACIA BURNHAM

MAX JUNDAM

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

RUDY ANDAL

SI ARLENE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with