^

Bansa

GMA isusulong ang modernisasyon sa agrikultura

-
Sisimulan na sa susunod na buwan ng mga magsasaka sa Mindanao ang pagtatanim ng hybrid rice mula sa China sa ilalim ng programa sa modernisasyon ng agrikultura.

Ayon kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang hybrid program ay inaasahang siyang makapagsusulong sa modernisasyon ng agrikultura sa bansa.

Pinaglaanan ng gobyerno ng pondong P450 million hanggang P26 billion badyet para sa modernisasyon ng pagsasaka sa bansa.

Sinabi ni Arroyo, na may inilaan nang 37,000 ektaryang lupain na mapagtatamnan ng hybrid rice galing sa China mula sa target na 50,000 ektaryang sakahan na ipaiilalim sa programang ito sa buong bansa.

Noong nakaraang anihan ang mga magsasakang nagtanim ng hybrid rice ay nagkaroon ng produksiyon ng 6.5 metriko tonelada hanggang 9.3 metriko tonelada bawa’t ektarya. Dati-rati mayroon lang silang produksiyong 3.5 metriko tonelada hanggang 4.3 metriko tonelada bawa’t ektarya noong hindi pa sila gumagamit ng hybrid rice.

Dahil sa paggamit ng China sa hybrid rice ang kita ng mga magsasaka ay mula P30,000 hanggang P43,000 bawa’t ektarya.

Magugunita na ang kasunduan sa pagtulong ng China sa Pilipinas sa modernisasyon ng agrikultura ay inilunsad noong panahong si Senador Edgardo Angara pa ang siyang Agriculture Secretary sa ilalim ng Estrada Administration.

Isang kasunduan ang nilagdaan ng dalawang bansa para maisulong ang pagtutulungan sa larangan ng modernisasyon ng pagsasaka at pagpapalitan ng impormasyon sa larangan ng makabagong agrikultura. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AGRICULTURE SECRETARY

AYON

DAHIL

DATI

ESTRADA ADMINISTRATION

HYBRID

ISANG

LILIA TOLENTINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SENADOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with