Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Wilhelm Soriano na darating si Pangulong Arroyo upang salubungin ang mga labi ng mga Pinoy workers at para na rin personal na makidalamhati sa mga naulilang pamilya.
Tiniyak ni Soriano na ipagkakaloob ng pamahalaan ang lahat ng benepisyo sa mga naulila nang 16.
Naglaan ang OWWA ng tig-P120,000 sa bawat pamilya ng mga manggagawa bukod pa sa tatanggapin ng mga ito mula sa POEA, DOLE at mula sa personal na pondo ni Pangulong Arroyo.
Idinagdag ni Soriano na bukod sa monetary assistance, magkakaloob din ang OWWA ng livelihood project sa mga anak at asawa ng mga OFWs upang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
Kinilala ang 16 na sina Joseph Cayaban, Florante Mercado, Rolando Romero, Jose Santos, Fernand Velasco, Arturo Rodriguez, Jose Consunji Lizo Jr., Jim Lucero, Vittorio Gustilo, Henry Sumanga, Cecilio Silang, Ermando Canlas, Henry Sanchez, Sofio Bosero, Arthur Pullido at Marcelino Sumagang na dadalhin ang labi sa Cebu. (Ulat nina Butch Quejada at Rose Tamayo)