Findings kay Rico: 'No drugs'

Walang droga, konting alak lang.

Ito ang lumabas sa laboratory tests na isinagawa ng PNP-Crime Laboratory sa bangkay ng matinee idol na si Rico Yan kahapon.

Sinabi ni PNP-Crime Laboratory chief, C/Superintendent Marlowe Pedregosa na pinatunayan ng medico-legal experts na walang bahid ng drugs sa blood specimens na nakuha sa ginawang autopsy sa aktor noong nakaraang Sabado.

Base sa toxological content, nakakita ng konting amount ng ethyl alcohol (0.7 percent) o katumbas nang dalawang bote ng beer o dalawang shots ng whiskey.

Sa ilalim ng umiiral na batas, ang naturang alcohol amount ay "minimal" at sakop ng legal limits. Ang isang tao ay ikinokonsiderang lasing o lango sa alak kapag mayroon itong .15 percent ng ethyl alcohol sa kanyang katawan.

Idinagdag pa ni Pedregosa na negatibo sa droga ang blood samples na nakuha mula kay Yan kaya walang katotohanan ang kumalat na mga text messages na namatay ang aktor dahil sa ecstasy overdose.

"The findings as per medico-legal report, Rico Yan died of cardiac arrest secondary to acute hemorrhagic pancreatitis. In layman’s term, it is bangungot," sabi ni Pedregosa.

Ayon pa kay Pedregosa, ang findings ng PNP coroners ay tumugma sa mga resulta ng magkahiwalay na autopsy na ginawa ng medical team mula sa St. Luke’s Medical Center. (Ulat ni Christian Mendez)

Show comments