^

Bansa

Dagdag na sahod sa kawani ng gobyerno unahin - Oreta

-
Nanawagan kahapon si Senator Teresa Aquino Oreta sa dalawang kapulungan ng lehislatura na bigyan ng prayoridad ang panukalang batas na layong dagdagan ang suweldo ng mga pampublikong empleyado sa muling pagbubukas ng Kongreso sa Abril 15.

Ang panukalang batas, na inihain ng minority sa Senado ay pinapaliwanag na hindi na angkop ang mga sinasahod ng mga empleyado ng gobyerno sa taas ng kasalukuyang bilihin dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng piso.

Sinabi ni Oreta, ang pagtataas ng suweldo ng mga government employees ay maghihikayat sa kanila para magbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.

Sakaling maipasa ang panukalangg batas, ang isang empleyado ng gobyerno na may "item 1" o pinakamababang ranggo ay makakatanggap ng P7,097 simula sa darating na Hulyo, ang mga nasa salary grade 10 ay tatanggap ng P13,979, salary grade 20 ay P24,855 at salary grade 30 ay P35,179.

Ayon kay Oreta, ibabase ang salary increases sa eight step increment timetable na ibabatay sa tagal ng serbisyo ng empleyado.

Ang pondong gagamitin sa pagbibigay ng umento aniya ay kukunin sa savings sa iba’t-ibang departamento ng gobyerno at sa kalaunan ay sa General Appropriations Act. (Ulat ni Rudy Andal)

ABRIL

AYON

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

HULYO

KONGRESO

NANAWAGAN

ORETA

RUDY ANDAL

SAKALING

SENATOR TERESA AQUINO ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with