80 Muslim spy pasok sa AFP
April 1, 2002 | 12:00am
Mahigpit na minamanmanan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila ang may 80 kabataan Muslim na magsisilbing espiya umano para mapasok sa organisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP)upang iligtas umano si renegade Moro National Liberation Front (MNLF) Leader Nur Misuari sa kulungan nito sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Ayon kay Supt. Bayani dela Rea, pinuno ng Regional Intelligence and Special Operations Office(RISOO), ang mga nasabing Muslim spy ay nagbayad umano ng P30,000 hanggang P70,000 sa isang Lt. Mutilan, isa umanong MNLF integree sa Army, matapos silang kalapin nito sa kanilang probinsiya at pangakuan na magkakaroon ng matataas na ranggo sa Philippine Army (PA) bilang MNLF integree kapag nakapasok sila dito.
Sinabi ni dela Rea, nagsagawa sila ng joint military operation ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines(ISAFP) noong nakaraang linggo sa magkakahiwalay na lugar sa Metro-Manila at nahuli nila sina Buisan y Mutilan alyas Lt. Mutilan, 33, Tro Mohamad, 31, Dima Mamalac, 34 at Kage Miriam Lingga,37 taong gulang.
Ayon kay Buisan, isa siyang MNLF integree sa PA kaya lang isang taon na siyang AWOL.
Ayon sa talaan ng PA, walang Lt. Amer Mutilan ang nakalista sa kanilang masterlist.
Sinabi ni dela Rea, ang grupo ni Buisan ay nangangalap ng mga kabataan Muslim sa Lanao at Cotabato City para gawing MNLF integree sa AFP. Ang mga aplikante ay pinagbabayad ni Lt. Mutilan ng P30,000 bilang ordinary enlisted personnel at P70,000 para maging opisyal.
Sinabi ni dela Rea, pinatitira ni Buisan ang mga nakalap nilang espiya sa mga kamag-anak nito sa Metro-Manila para maging madali sa kanila kapag pinatawag na sila sa isang military training sa Tanay, Rizal.
Gayunman, pito sa umanoy espiya ang nagreklamo sa tanggapan ni dela Rea dahil napako ang pangako ni Buisan para maging hindi MNLF integree sila ng PA.
Sa ginawang imbestigayson ng tanggapan ni dela Rea, itinuro ni Buisan ang isang Kamarudin Saripada, ng Cotabato City na utak umano at financier ng kanilang grupo.
Si Saripada, ay suspek umano sa mga bombing incident sa kalakhang Maynila noong Disyembre 2000.
Ayon kay Buisan, inatasan siya ni Saripada na mangalap ng hanggang 50 Muslim para sa kanilang grupo na dadalhin sa Metro Manila.
Ipinaliwanag ni dela Rea, na walang quota para sa mga dating MNLF members para magsanay sa Tanay. Dito anya nakabase ang PA 2nd Infantry Division (ID).
Binigyan diin ni dela Rea, ang lahat ng MNLF members ay dapat munang irekomenda ng joint panels ng MNLF at ng pamahalaan bago sila mapasama sa militar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest