^

Bansa

Public apology ng Mexican ambassador inisnab ni Guingona

-
Hindi tinanggap ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona ang ginawang paghingi ng paumanhin ng ambassador ng Mexico matapos itong mabastos sa kanyang pagbisita kasama ang iba pang delegado ng Pilipinas sa nasabing bansa kamakailan.

Sinabi ni House Deputy Speaker Raul Gonzales, tama lamang ang ginawang ito ni Guingona at hindi rin masisisi ang Bise Presidente kung sumama man ang loob nito at hindi tanggapin ang paghingi ng tawad ng Mexican ambassador sa Pilipinas na si Enrique Hubbard dahilan sa sobra-sobra itong nabastos.

Labis umanong ikinasama ng loob ni Guingona ang ginawang pag-iitsapuwera rito matapos itong hindi papasukin ng mga bantay sa ginanap na pananghalian para sa 150 pinuno ng mga bansa kasama ang kanilang mga delegasyon sa Mexico nitong nakalipas na Marso 21.

Hindi pinapasok si Guingona dahil wala umano ito sa guest list sa kabila na ito ang kinatawan ni Pangulong Arroyo para sa pagtitipong iyon.

Nais umano ni Guingona na manggaling ang paghingi ng paumanhin sa Foreign Ministry ng Mexico.

Kaugnay nito, iginiit ni Gonzales na dapat ay ipagtanggol rin ng administrasyon si Guingona para mapanatili ang dignidad ng bansa at nang hindi na maulit pang muli ang pambabastos sa mga opisyal ng pamahalaan sa mga pagtitipon sa ibang bansa. Masyado umanong minaliit ng Mexico ang Pilipinas sa ginawa kay Guingona kaya marapat lamang ang mga itong turuan ng leksiyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BISE PRESIDENTE

ENRIQUE HUBBARD

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

FOREIGN MINISTRY

GUINGONA

HOUSE DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALES

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with