3,000 Al-Qaeda terrorists lulusob sa RP
March 26, 2002 | 12:00am
Aabot umano sa 3,000 miyembro ng Al-Qaida network ni Osama bin Laden ang takdang lumusob sa bansa sa susunod na buwan upang sumabak sa pakikipaglaban sa mga Amerikanong sundalo na nagsasagawa ng Balikatan military exercises sa Mindanao.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Linda Olaguer-Montayre, presidente ng Philippine Consultative Assembly (PCA) batay na rin umano sa kanilang nakalap na confidential information.
Ayon kay Montayre, ang mga papasok na miyembro ng al-Qaida ay ikakalat sa Luzon at Mindanao.
Tinukoy ni Montayre na ang target lamang ng mga teroristang ito ay mga umanoy mapopormang Kano na kasalukuyang kasama sa Balikatan.
Lumilitaw din umano sa confidential report na ang mga terorista ay magdadala ng mga matataas na kalibre ng baril na ipantatapat naman sa mga kagamitan ng mga Amerikanong sundalo.
Pero ang isyung ito ay minaliit lamang ni PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza.
Ani Mendoza, mas makabubuti anya kung maibibigay ni Montayre sa kanila ang confidential report upang mapag-aralan ng kapulisan.
Duda rin si Senate President Pro-Tempore Manny Villar sa report na ito dahil mismong ang international community partikular ang US ay hinahanap ang mga miyembro ng al-Qaida pero bigo pa silang makita ang mga ito para papanagutin sa isinagawang pagbomba ng mga ito sa World Trade Center sa New York noong Sept. 11.
Pero sakaling totoo ang report na ito, hinamon ni Sen. Villar ang AFP na huwag nang hintayin pang makapaghasik ng terorismo at kaguluhan ang sinasabing parating na miyembro ng al-Qaida sa bansa bagkus ay salubungin na ang mga ito.
Sinabi ni Sen. Villar, kung alam ng militar na may parating na 3,000 miyembro ng al-Qaida sa bansa batay sa kanilang intelligence report ay dapat salubungin na nila ito paglapag pa lamang ng eroplanong sinasakyan ng mga ito o pagdaong ng kanilang barko.
Samantala, nasa heightened alert ang buong paliparan sa bansa kabilang ang NAIA bunsod ng nakakaalarmang intelligence report na papasok sa bansa ang libong kasapi ng al-Qaida. (Ulat nina Doris Franche, Rudy Andal at Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended