^

Bansa

Al-Qaeda terrorist network nasa RP na - PNP

-
Malaki ang posibilidad na nakapasok na umano sa bansa ang ilang miyembro ng al-Qaida terrorist network ni Osama bin Laden bunsod pa rin ng mga koneksiyon nito sa ilang rebeldeng MNLF at MILF.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza matapos na maaresto ang tatlong terorista na hinihinalang may kaugnayan sa Jemaan Islamia noong nakaraang linggo.

Ayon kay Mendoza, hindi malayong magkaroon ng koneksiyon ang mga teroristang ito sa mga rebelde ng MNLF at MILF dahil sa minsang nagkasama-sama ang mga ito sa pagiging volunteer brigades sa Afghanistan noong 1980s sa kasagsagan ng giyera.

Sinabi pa ni Mendoza na nakumpirma nilang marami sa mga Muslim na rebelde ang pumunta sa Afghanistan noon at sumailalim pa ang mga ito sa training sa Pakistan upang mas lalong gumaling sa pakikipaglaban.

"Ito yung nakikita naming maaaring connection ng mga grupo ng Afghanistan dito sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao. But not necessary na sabihin natin na meron na kaagad, posible lang na merong connection," saad ni Mendoza.

Magugunitang tatlong terorista ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ng Immigration bureau sa NAIA na sinasabing mga Indonesian nationals habang ang mga ito ay papasakay ng eroplano at paalis ng bansa.
FBI nagbabala rin
Nagpalabas na rin ng "heightened alert status" ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa pamahalaan sa pagpasok sa bansa ng mga kampon ni Osama bin Laden.

Sa babala kahapon ni FBI Director Robert Mueller III, sinabi nito na bukod sa Pilipinas, inalerto rin ang Southeast Asian countries na kinabibilangan ng Indonesia, Thailand, Singapore at Malaysia.

Ayon kay Mueller, malaki umano ang posibilidad na tumakas mula Afghanistan ang mga galamay ni bin Laden patungo sa mga kalapit na bansa hanggang sa Timog-Silangang Asya dahil sa puspusang pakikidigma ng Estados Unidos sa mga terorista partikular na ang al-Qaida.

Pinuna ni Mueller ang kawalan ng anti-terrorist law ng bansa na umano’y magiging isang malaking problema sa gagawing pag-usig sa mga ito dahil sa walang pagbabasehang anti-terrorist law.

Si Mueller ay bumisita sa bansa kahapon bilang bahagi ng kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bansa ng mundo upang ikampanya ang pakikipaglaban ng US laban sa pandaigdigang terorismo.

Personal ring ipinarating kahapon ni Mueller kay Pangulong Arroyo sa pagbisita nito sa Malacañang kahapon ang pasasalamat ni US President George Bush sa pakikipagtulungan ng pamahalaang Arroyo sa giyera ng US laban sa terorismo.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Mueller na magbibigay ng technical assistance ang FBI sa Pilipinas hinggil sa anti-terrorism campaign nito at sa pagpapatupad ng RP-US mutual legal assistance and treaty.

Magugunitang una nang kinumpirma ni AFP Spokesman Gen. Edilberto Adan na may nakapasok na mga miyembro ng international terrorists sa bansa sa pamamagitan ng southern backdoor.

Hindi rin anya nakapagtataka kung patuloy pa rin ang koneksiyon ni bin Laden sa mga ito dahil sa mga kaklase at ang iba nama’y naging estudyante ni bin Laden ang mga orihinal na lider at ilang mga miyembro ng ASG, MILF at maging ng MNLF sa mga training schools sa Middle East partikular na sa Afghanistan. (Ulat nina Doris Fanche at Rose Tamayo)

AYON

BANSA

CHIEF DIRECTOR GEN

DIRECTOR ROBERT MUELLER

DORIS FANCHE

MENDOZA

MUELLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with