Sa desisyong ipinalabas ng Supreme Court (SC) sa panulat ni Associate Justice Jose Melo, sinabi nito na si Estelita Herrera ng San Jose, Baggao, Cagayan ay napatunayan na lumabag sa Section 217 at 216 ng Ombudsman Election Code.
Nabatid mula sa record ng korte na noong May 11, 1992, si Herrera ay itinalaga bilang poll chairman sa Precinct 51 ng nasabing lalawigan, subalit nabigo itong isumite ang election returns sa tamang panahon.
Sa halip na ibalik ni Herrera ang nasabing election returns ay itinago na lamang nito sa kanyang bahay sa katwirang huli sa oras.
Pinagbasehan ng SC ang naging testimonya ng isang nagngangalang Arnold Alonzo na ng bisitahin nila ang bahay ni Herrera ay natagpuan nila ang ballot box na nakabukas at ang mga election forms at tally sheets nito ay nagkalat at wala rin poll watcher o election officer ang naroroon upang tumingin sa mga ginagawa ni Herrera.
Kasama din ni Herrera na nasampahan ng nasabing kaso sa Tuguegarao, Cagayan Regional Trial Court ang dalawa pang guro na sina Bernardino Daquiag at Flordeliza Daquiag dahil pa rin sa illegal na pag-uuwi ng mga election paraphernalia.
Gayunman, si Herrera ay hindi na rin binibigyan ng pagkakataon ng SC na makapasok sa ano mang tanggapan ng gobyerno. (Ulat ni Grace Amargo)