^

Bansa

20,000 guro kailangan sa susunod na pasukan

-
Iniutos ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagkalap ng 20,000 mga bagong guro para sa mga public school sa darating na pasukan sa Hunyo.

Kasabay nito, iniutos din ni Arroyo ang madaliang pagpapagawa ng mga silid-aralan para sa 1,612 barangay sa buong bansa para matugunan ang kakulangan ng paaralan.

Ayon sa Malacañang, ang mga bagong gurong kakalapin ay pinaglaanan na ng P1.98 billion pondo na nakapaloob sa pinagtibay na pambansang badyet ng Kongreso sa taong 2002.

Inihayag ni DECS Secretary Raul Roco na nakapagsimula na silang magpaanunsyo sa mga pahayagan sa mga kuwalipikasyon ng mga bagong gurong kakalapin.

Ang mga kuwalipikado anyang aplikante ay mabibigyan ng notisya ng pagtanggap sa tungkulin hanggang katapusan ng Abril para pumailalim sa isang in-service training sa Mayo bilang paghahanda sa pagbubukas ng paaralan sa Hunyo.

Hinggil sa ipatatayong paaralan, sinabi ni Roco na natukoy na nila ang 1,612 barangay na nangangailangan ng gusaling pampaaralan.

Sa susunod na anim na buwan may 345 gusaling pampaaralan ang maitatayo umpisa sa pagpapagawa ng 45 gusali sa susunod na buwan.

Mula Mayo at Hunyo, 150 school building ang ipagagawa at panibagong 150 ang itatayo mula Hunyo hanggang Hulyo ng taong ding ito.

Kabilang sa ipapatayong paaralan ay sa 263 malalayong baryo na itatayo ng mga sundalong militar. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

ABRIL

AYON

HINGGIL

HULYO

HUNYO

LILIA A

MULA MAYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with