MILF, Al-Qaeda magkakosa
March 9, 2002 | 12:00am
ISABELA, Basilan - Kinumpirma kahapon ni AFP Spokesman Gen. Edilberto Adan ang ugnayan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa al-Qaida international terrorists group na pinamumunuan ni international terrorist Osama bin Laden.
Inamin ni Adan na noon pa may nakapasok na ang miyembro ng international terrorists sa Mindanao at maging sa ilang mga lugar ng bansa sa pamamagitan ng southern backdoor at ito ay kinabibilangan umano ng ilang Yemenis, Indonesians, Tunisians, Palestinians at iba pang nasyonal na may kaugnayan sa al-Qaida.
May mga pruweba umanong pinanghahawakan ang AFP sa "linkage" ng MILF sa al-Qaida bukod pa sa ilang beses nang nakitang labas-masok ang kilalang mga miyembro ng foreign terrorists kapwa sa kampo ng MILF at ASG.
Ayon pa kay Adan ay hindi umano magdadalawang-isip ang militar sa pagsagawa ng operasyon laban sa MILF kung hindi ito titigil sa kanilang pananabotahe sa operasyon ng militar sa Mindanao.
Idinagdag pa ni Adan na kung matatandaan umano ang "history" ng ASG, si Abdulrajak Janjalani, founder ng ASG ay isang mujahideen mula sa Afghanistan at karamihan sa mga Pilipino na kanyang ni-recruit para magtrabaho sa Middle East ay talagang mga kaibigan ni bin Laden.
Karamihan din umano sa mga na-recruit ni Janjalani ay nag-training sa ibat ibang kampo sa Pakistan at Afghanistan kayat isa itong malinaw na indikasyon na mayroong sabwatan sa pagitan ng grupo ng MILF at al-Qaida.
Isa rin sa naging basehan ng militar tungkol sa sabwatan ng MILF at al-Qaida ay ang mga sumbong mula sa napalayang bihag ng ASG na noong nasa kamay pa sila ng mga ito ay malimit silang itinatago sa mga kampo ng una. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended