^

Bansa

Guilty na ako! - Erap

-
Inamin ni dating Pangulong Estrada na ngayon pa lamang ay sentensiyado na siya sa kinakaharap na kaso dahil ang tatlong bagong abogadong ibinigay sa kanya ng Sandiganbayan Special Division ay mga promotor umano sa "Erap Resign Movement."

Sinabi ni Atty. Raymund Fortun, tumatayong spokesman ni Erap, bagamat kinikilala ng kampo ng dating pangulo ang pagsisikap ng korte na mabigyan ng magagaling na defense lawyers si Estrada ay hindi nila matatanggap ang tatlong bagong talagang abogadong sina Attys. Mario Ongkiko, Rodolfo Jimenez at Irene Jurado.

Ayon kay Fortun, ito’y sa dahilang si Ongkiko ay isa sa mga nagpasimuno sa Erap Resign Movement samantalang ang anak naman ni Irene Jurado na si Cicero Jurado ay kabilang sa mga prosecutors ng pamahalaan sa impeachment trial kay Estrada.

Sinabi ni Fortun na malinaw na nahatulan na ng naturang mga abogado si Estrada kaya imposibleng maipagtanggol pa nila ito ng walang kinikilingan.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Hernando Perez na kung patuloy pa ring tatanggihan ni Estrada ang kanyang mga bagong abugado ay mas makabubuting sabihin na nito kung sino ang gusto niyang maging tagapagtanggol.
Exile ni Erap nawalan na ng suporta
Kasabay nito ay tuluyan nang nawalan ng suporta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kampanya sa hakbanging maghain ng resolusyon para ma-exile o ipatapon sa ibang bansa ang pinatalsik na si Estrada.

Kinumpirma kahapon ni Lanao del Norte Congressman Benasing Macarambon na nagkaroon na ng "collective decision" ang kanyang mga kasamahang mambabatas na huwag na itong ituloy.

Sinasabing wala nang interes si Macarambon na ituloy ang kanyang bersiyon matapos na umano’y makausap sa telepono si Estrada at pakiusapan ng huli na "patayin" na ang kanilang resolusyon dahil wala naman na umanong plano pa ang dating pangulo na umalis ng bansa.

Naniniwala rin si Bukidnon Rep. Miguel Zubiri na hindi na dapat pang pag-aksayahan ng panahon ang isyu ng exile dahil maging si Estrada ay ayaw umalis dahil "kung aalis nga naman siya ng Pilipinas parang inamin na niya na guilty siya sa mga kasong kinakaharap sa korte," dagdag ni Zubiri. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BUKIDNON REP

CICERO JURADO

ERAP

ERAP RESIGN MOVEMENT

ESTRADA

FORTUN

IRENE JURADO

JOY CANTOS

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with