Estrada may bago na namang mga abogado
March 7, 2002 | 12:00am
Muling nagtalaga ng mga batikang abugado ang Sandiganbayan Special Division para kay dating Pangulong Estrada.
Kabilang sa mga itinalagang counsel de officio ng Sandiganbayan sina Attys. Mario Ongkiko, Rodolfo Jimenez at Irene Jurado.
Una nang nakilala si Ongkiko sa paghawak nito noon sa kasong rape with homicide ni Hubert Webb sa Vizconde massacre, habang si Jimenez ay tumayong abogado sa mga kaso ni ex-First Lady Imelda Marcos.
Sinabi ni Ombudsman Aniano Desierto na nananatiling nasa desisyon ni Estrada kung tatanggapin niya ang serbisyo ng mga ito tulad ng ginawa nitong pagtanggi kay Atty. Sigfried Fortun.
Nanawagan din si Desierto sa Sandigan na payagan ang live media coverage sa pagdinig sa kaso ng dating pangulo para ipakita sa taumbayan na naging parehas ang takbo ng hustisya para kay Estrada. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest