P37-M ibinigay na pondo ni GMA sa BFP
March 3, 2002 | 12:00am
Laking pasalamat ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos maglaan ng P37 milyong pisong karagdagang pondo para sa kanilang barangay-based project si Pangulong Arroyo.
Sinabi ng mga bumbero na malaking bagay para sa kanila ang binitiwang pangako ng Pangulo sa ginanap na kick off ceremony ng Fire Prevention Month sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, Ermita, Manila.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na ang P37 milyong piso na pondo ay nagmula sa Presidential Social Fund at ilalaan upang makabili ng mga water pumps ang bawat barangay nang sa gayon ay mas mabilis na mapatay ang sunog kahit na mahuli man ng dating ang mga bumbero.
"Ang unang matutulungan nito ay yung mga kababayan natin na nasa mga eskinita ang mga bahay at dikit-dikit at yung mga nasa squatters colony na halos talagang walang paraan na mapasok ng mga bumbero," paliwanag ng isang bumber na nakatalaga sa Paco Fire Station. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest