P390-B garbage contract sisiyasatin
March 3, 2002 | 12:00am
Magsasagawa ng imbestigasyon ang House committees on ecology at good government kaugnay sa P390 bilyong kontrata sa pagitan ng gobyerno at isang Australian garbage contractor.
Ayon kay Bukidnon Rep. Nereus Acosta, vice-chairman ng House committee on ecology, maraming butas ang kontrata kung saan papayagan ang garbage collector na kumuha ng bayad sa basura na isasama sa buwanang electric o water bills ng mga residente ng Metro Manila.
Ang kontrata aniya na nilagdaan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Presidential Task Force on Solid Waste Management at Jancom International ay lalabag sa maraming batas ng bansa katulad ng Clean Air Act o Republic Act 8749 na mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng incinerators.
Ang nasabing kompanya ang siyang mangongolekta ng basura sa Metro Manila at lulusawin nila ito sa mga sanitary landfill at sa pamamagitan ng incinerators.
Sinabi ni Acosta na masyadong mataas ang kokolektahin ng kompanya sa mga residente ng Metro at ang kontrata ay nagkakahalaga ng P390 bilyon na pabor sa Jancom.
Masyado umanong depektibo ang kontrata dahil hindi nagbigay ang Jancom ng ibang requirements katulad ng pagsusumite ng bid bond, performance bond, clearance buhat sa NEDAs Investment Coordinating Council, at environmental clearance mula sa DENR.
Ang nasabing Australian firm ay isa rin umanong "P.O. Box" corporation at walang opisina sa Sydney, Australia.
Pag nagkataon anya, ang Jancom contract ay mas malaki pa sa umanoy anomalya sa PEACe bonds ng Code-NGO. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am