^

Bansa

11 workers kinidnap ng NPA

-
PANDAN, Catanduanes - Tila iniidolo na ng New People’s Army (NPA) ang grupo ng bandidong Abu Sayyaf nang umatake ito sa First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) at dinukot ang may 11 empleyado nito habang nagtatrabaho sa Barangay Panuto ng nasabing lugar, kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang mga biktima na sina Florencio Tabuso, Macarionito Tabuso, Silverio Avila Jr., Rafael Sebastian, Felimon Tabuso, Francis Tabiana, Efren Perasola, Ronnie Tachon, Mario Molina Jr., Dionisio Romero at Edison Barba pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ni Catanduanes PNP Provincial Director P/Supt. Gil Histosis, ang insidente ay nangyari ng bandang alas-12 ng tanghali noong Sabado habang ang mga empleyado ay naglalatag ng mga kawad ng kuryente.

May 40 armadong rebeldeng NPA na pinamumunuan ng isang nakilala lamang sa pangalan "Ka Greg" ang lumusob sa nasabing barangay at tinangay ang mga manggagawa at dalawang nakaparadang trak ng kompanya.

Napag-alamang nagpadala ng demand letter ang mga rebelde kay Herbert Evangelista na naka-address kay FICELCO general manager Carlos Gianan III.

Ayon sa pinadalang sulat, humihingi ng P50,000 bilang ransom ang mga rebelde kapalit nang kalayaan ng mga kinidnap kasama ang dalawang trak na kinulimbat.

Ang mga rebelde na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ay lumusob sa pinagtatrabahuhan ng mga biktima na may layong 100 kilometro sa bayan ng Virac.

Naunang nagbanta ang mga rebelde na pupugutan umano nila ng ulo ang mga manggagawa at susunugin ang 2 trak sa oras na hindi binigay ng FICELCO management ang kanilang hinihinging ransom sa loob ng labindalawang oras.

Gayunman agad na nagpadala ng P50,000 ang FICELCO management sa mga rebelde kapalit ng kanilang bihag at pagkatapos ng negosasyon ay pinalaya din ang mga manggagawa.

Isang hot pursuit operation ang isinagawa ng Philippine Army at PNP para maaresto ang mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

ABU SAYYAF

AYON

BARANGAY PANUTO

CARLOS GIANAN

CATANDUANES

DIONISIO ROMERO

ED CASULLA

EDISON BARBA

EFREN PERASOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with