Kumpirmasyon ni Camacho muling nabitin
February 14, 2002 | 12:00am
Nabitin na naman ang kumpirmasyon ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho matapos ipakansela ni Senate President Franklin Drilon ang plenary session ng Commission on Appointments (CA) na nakatakda kahapon.
Sa panayam kay Drilon, ipinagpaliban ang plenary upang magkaroon ng tamang panahon na huminahon ang bagyong pulitikal sa Senado dahil galit na galit ang minorya at ayaw nitong magulo ang sesyon.
Sinabi naman ng ilang opposition senators na natakot lang ang mga kaalyado ni Pangulong Arroyo sa Senado na mapahiya ang pinal na kumpirmasyon ni Camacho kaya nagdesisyon ang CA na ipagpaliban ang plenary session.
Isa rin anya itong taktika ng administration solons upang makaiwas si Camacho sa pagsusulong ng Section 20 na una nang inihayag ng mga senador na kanilang isasagawa pagsapit ng plenary ng CA.
Nangangamba umano ang administration solons na gamitin ni Sen. Tessie Aquino-Oreta ang Section 20 ng CA rules upang magkaroon ng technical bypass sa kumpirmasyon ni Camacho.
Ang Section 20 ay isang paraan ng pagharang sa sinumang opisyal ng pamahalaan na makumpirma kung nakita nitong nagkaroon ng iregularidad sa pamamaraan ng pagpapalusot dito.
Ngunit hindi na ito maaaring gamitin kung huling araw ng plenary ng CA dahilan sa ipinagbabawal ito.
Sa panayam, sinabi ni Sen. Jon Osmeña na makasasama kay Camacho ang Section 20 at ginamit ng administration solons ang kapangyarihan ni Senate President Franklin Drilon bilang chairman ng CA upang magkaroon ng cooling-off period sa tumitinding sigalot sa pagitan ng oposisyon at kaalyado ni Pangulong Arroyo sa Senado.
Magugunitang nakalusot na sa committee on finance ng CA ang nominasyon ni Camacho at sanay pagbobotohan na ang paghirang sa kanya sa plenary session kahapon.
Subalit hindi ito naisakatuparan dahil sa kahilingan nina Osmeña at Oreta na mabigyan pa sila ng pagkakataong malinaw na mabuti ang isyu ng pagkakadawit ni Camacho sa multi-bilyong pisong PEACe bonds.
Takdang gawin ang susunod na plenary session sa Pebrero 27. (Ulat nina Rudy Andal at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest