^

Bansa

Camacho pumasa sa committee level ng CA

-
Nakalusot sa committee level ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Finance Secretary Jose Isidro Camacho matapos magsagawa ng executive session kahapon sa Senado.

Sa isinagawang pagdinig ng committee on finance ng CA na pinamumunuan ni Sen. Ralph Recto, nakakuha si Camacho ng 14 botong pabor sa kanyang kumpirmasyon, isang botong hindi pabor mula kay Sen. Tessie Aquino-Oreta at isang botong abstain kay Sen. Blas Ople.

Nabalam ang pagdedesisyon ng CA ukol sa nominasyon ni Camacho matapos batuhin ng sunud-sunod na katanungan ni Sen. Oreta ang kalihim partikular sa pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na P35 bilyon PEACe bonds na napagwagian ng Code-NGO na pinamumunuan ng kapatid nitong si Ma. Socorro Camacho-Reyes.

Kinondena naman ng oposisyon sa Senado ang ginawang "pagmamadali" sa kumpirmasyon ni Camacho. Takda umano nilang harangin sa sandaling isalang sa Plenary bukas ang kumpirmasyon ng kalihim. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BLAS OPLE

CAMACHO

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

KINONDENA

NABALAM

NAKALUSOT

RALPH RECTO

RUDY ANDAL

SENADO

SOCORRO CAMACHO-REYES

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with