^

Bansa

Kumpirmasyon ni Camacho di raw 'ipapaluto' sa CA

-
Pinabulaanan ng Malacañang na "ipapaluto" bukas ng Commission on Appointment (CA) ang kumpirmasyon ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho sa kabila ng pagkakadawit niya sa kuwestiyonableng P35 bilyong Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) bonds, isang transaksiyong nagbigay ng kitang P1.8 bilyon sa Code-NGO na pinamumunuan ng kapatid ni Camacho.

Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao kasunod ng ulat na may mga miyembro ng House of Representatives na miyembro ng CA ang ipinatawag umano ni Speaker Jose de Venecia para siguruhing maipapasa sa komite ang nominasyon ni Camacho nang maiharap na ito sa kumpirmasyon ng CA sa plenary session sa darating na Miyerkules.

Hindi daw dapat ikasorpresa kung gumawa ng pangungumbinsi ang Speaker sa kanyang mga kasamahang mambabatas para sa mabilis na kumpirmasyon ng Finance secretary dahil si de Venecia ay isang matatag na tagasuporta ng Pangulo.

Nauna rito, sinabi ni Senador John Osmeña, chairman ng Finance committee na nagsisiyasat sa PEACe bonds scam na patay na ang kumpirmasyon ni Camacho sa CA dahil sa pagkakasangkot nito sa kuwestiyonableng bonds.

Kaugnay nito, inilatag ng Code-NGO at Peace and Equity Foundation (Peace Foundation) ang iba’t ibang organisasyon na beneficiaries mula sa napagwagian nilang P35 bilyong PEACe bonds.

Sinabi ni Fr. Noel Vasquez, chairman ng Peace Foundation, kabilang sa nakalinyang benepisyaryo ay ang 35,000 pamilya sa Manggahan floodway sa Pasig, Urban Poor Associates na pawang samahang maralita sa Metro Manila, mga organisasyon sa Parola, Baseco, NDC, East Triangle sa UP para naman sa proyektong People’s Bigasan at Samahang Kababaihan.

Sa Bicol region, mga magsasakang kasapi ng Matalingkas na Agraryong Grupong Sararo Para sa Kauswagan kan Camarines Sur.

Gayundin ang Muslim Lumad Farmers Assn. sa Sultan Kudarat; Purok Himaya Community Assn. sa Negros Occidental; Malabog Integrated Enterprises Dev’t Cooperative sa Davao; Sikap Roque Homeowners Assn. sa Bulacan; Agusan Resettlement Farmers Federation of Agricultural Cooperatives sa Agusan del Norte. (Ulat nina Lilia Tolentino at Rudy Andal)

AGRARYONG GRUPONG SARARO PARA

AGUSAN RESETTLEMENT FARMERS FEDERATION OF AGRICULTURAL COOPERATIVES

CAMACHO

CAMARINES SUR

EAST TRIANGLE

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LILIA TOLENTINO

MALABOG INTEGRATED ENTERPRISES DEV

PEACE FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with