Ayon kay Dr.Lorenzo Jocson, bagamat bumuti ang pakiramdam ng kanyang pasyente hindi pa rin tiyak kung kailan ito babalik sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Kung sakali umanong maibalik na sa VMMC si Jinggoy ay igigiit pa rin nila ang confinement nito sa MMC dahil sa kakulangan ng kagamitan sa unang nabanggit na ospital.
Magugunitang nagduda ang mahistrado ng Sandiganbayan Special Division kaugnay sa pagbabalik-balik ni Jinggoy sa MMC na itinataon pang araw ng Biyernes.
Kaya naman inatasan ng Sandiganbayan Special Division sina Jocson at Dr. Roberto Anastacio, personal cardiologist ni Jinggoy na magsumite ng hiwalay na ulat ukol sa kalusugan ng kanilang pasyente. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)