^

Bansa

Camp Aguinaldo sinugod ng mga ralista

-
Dumagsa kahapon ang mga militanteng grupo sa Camp Aguinaldo na lantarang iprinotesta ang kanilang mahigpit na pagtutol sa presensiya ng mga sundalong Amerikano sa bansa kaugnay ng isinasagawang Balikatan RP-US joint military exercise sa Mindanao.

Bumungad ang mga ralista mula sa Citizen Action Party ng Akbayan sa Gate 2 ng AFP headquarters at bagaman naging mapayapa ay walang tigil ang kasisigaw ng mga ito upang itaboy umano ang US troops dahilan illegal at isa umanong paglabag sa itinatadhana ng Konstitusyon ang naturang joint military exercise.

Ayon sa mga protesters, malinaw na pagyapak umano ito sa kakayahan ng mga sundalong Filipino na masugpo ang banta na dulot ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ibinunyag pa ng Akbayan na ang kasalukuyang joint military exercise, na binansagang "Kalayaan Aguila 2002" ay wala sa listahan ng mga aprubadong pagsasanay sa ilalim ng umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA).

Anila, ang VFA ay nagpapahintulot lamang sa maikling panahon ng pagsasanay at hindi sa tuwirang pakikialam ng Amerika sa responsibilidad ng Sandatahang Lakas na sadya umanong nangyayari bagama’t itinatago sa World Trade Center sa New York noong nakaraang taon.

Ayon sa grupo, kung mananatiling nakasandal sa US Armed Forces ang pamahalaan para sugpuin ang ASG, ay wala nang kredibilidad na nalalabi ang AFP at sa pangkalahatang katatagan ng administrasyon ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

AKBAYAN

ARMED FORCES

AYON

CAMP AGUINALDO

CITIZEN ACTION PARTY

JOY CANTOS

KALAYAAN AGUILA

NEW YORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with