^

Bansa

Bill sa HK wage cut ibinasura na

-
Daan-daang overseas Filipino workers ang nagmartsa sa masikip ng kalye ng downtown Hong Kong kamakalawa bilang pasasalamat sa lokal na pamahalaan nang tuluyang ibasura nito ang panukalang minimum wage cut.

Ang nagbubunying mga domestic helpers ay kumakanta habang iwinawagayway ang pula at dilaw na streamers na may nakasulat na "Victory for Migrant Workers."

"Pinasasalamatan namin at tinatanaw na utang na loob ang pagbasura ng Hong Kong gov’t ng wage cut proposal," pahayag ni Connie Bragas-Regalado, chairman ng United Filipinos sa Hong Kong na siyang nag-organisa ng martsa.

Matatandaan na nagsama-sama ang mga domestic workers mula Phil., Indonesia, Nepal, Sri Lanka at Thailand upang tutulan ang planong pagtapyas sa kanilang sahod na umaabot sa 3,670 Hong Kong dollars o $4761.

Gayunman ay ipinahayag noong Huwebes na hindi na itutuloy ng pamahalaan ng Hong Kong ang pay cuts sa kabila ng dinaranas na recession ng mga lokal na employers ng mga dayuhang manggagawa.

Tinatayang umaabot ng hanggang 180,000 Filipino ang nasa Hong Kong ang umaasa sa kinikitang dolyar na ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay at tinuturing na isa rin sa malaking kontribusyon para sa dollar reserved ng bansa. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CONNIE BRAGAS-REGALADO

DAAN

GAYUNMAN

HONG

HONG KONG

HUWEBES

MIGRANT WORKERS

ROSE TAMAYO

SRI LANKA

UNITED FILIPINOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with