^

Bansa

Anti-graft commission, civil society nag-alyansa vs katiwalian

-
Magsasanib ng lakas ang Presidential Anti-Graft Commission at grupo ng civil society para magkatuwang na palakasin ang kampanya laban sa katiwalian sa gobyerno.

Ayon kay PAGC chairman Cesar Buenaflor, isang anti-graft summit ang ipatatawag ng kanyang tanggapan sa Abril na lalahukan ng mga ahensiya at organisasyong lumalaban sa katiwalian.

Higit anyang magiging epektibo ang pagsisikap ng gobyerno na malabanan ang iregularidad sa pamahalaan kung may suporta at kalahok sa kampanya ang mga mamamayan.

"Ang pagbuo ng malapit na ugnayan sa mga grupo ng civil society at pakikipagtulungan ng mga ito sa kampanya laban sa katiwalian ay makatutulong ng malaki sa PAGC sa pagtugis nito sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno," wika ni Buenaflor. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ABRIL

AYON

BUENAFLOR

CESAR BUENAFLOR

HIGIT

LILIA TOLENTINO

MAGSASANIB

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with