^

Bansa

PEACe bond malayo sa Muslim Foundation ni Erap

-
Malaki ang pinag-iba ng Muslim Foundation ng pinatalsik na Pangulong Estrada kumpara sa Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) Bonds na isinusulong ngayon ng Code-NGO.

Ito ang sinabi kahapon ni Beth Yang ng PILIPINA, isa sa pinakamalaking organisasyong pangkababaihan sa bansa, bilang pagtatanggol sa Code-NGO na patuloy na ginigipit ngayon ng mga pro-Erap at opposition senators.

Ayon kay Yang, walang karapatan sina Sen. Tessie Aquino-Oreta at ang magpinsang senador na sina Serge at John Osmeña na gipitin ang Code-NGO dahil ang layunin nito ay para lamang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na mamamayang Pilipino.

Aniya, kung talagang pagkalkal ng anomalya ang layunin ng tatlong senador, higit dapat na pagtuunan ng pansin ng mga ito ang naganap na kabulastugan sa pagbigay naman ng pondo sa Muslim Foundation na noo’y itinatag ni Estrada.

"Malaki ang ipinag-iba sa Erap-Muslim Foundation dahil itinayo ito mula sa ‘dirty money’ samantalang ang PEACe Bonds ay para talaga sa mahihirap," dagdag pa nito.

"Ang hirap kasi kapag illegal pinagtatakpan basta mayroong pakinabang, pero kapag legal, kahit na para sa mahirap, pilit namang hinahanapan ng butas," pahayag naman ni Ka Poneng Tolentino, lider-maralita ng Adhikaing Kilusan ng Ordinaryong Tao (AKO).

Nanawagan rin ito sa mga senador na umaangkas sa isyu na huwag sanang gipitin pa ang PEACe Bonds dahil lalo lamang umanong napupurnada ang inaasam na proyekto ng mayoryang mahihirap.

"Pagkakataon na ng mahihirap na mapabilang sa anti-poverty program ng pamahalaan, huwag na sana kaming gipitin pa," sabi pa nito. (Ulat ni Rudy Andal)

ADHIKAING KILUSAN

BETH YANG

ERAP-MUSLIM FOUNDATION

JOHN OSME

KA PONENG TOLENTINO

MALAKI

MUSLIM FOUNDATION

ORDINARYONG TAO

PANGULONG ESTRADA

POVERTY ERADICATION AND ALLEVIATION CERTIFICATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with