^

Bansa

2 Kano sa E-mail-order Pinay bride, i-blacklist

-
Hiniling kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda sa Bureau of Immigration and Deportation na i-blacklist ang dalawang Amerikanong natukoy na nagmamay-ari ng US-based electronic mail-order-bride firms na bumibiktima ng mga Pinay.

Kinilala ang dalawang Amerikano na sina Larry Pendarvis at Delaney Davis, kapwa ng Florida at may-ari ng World Class Service at The Davis Place International Internet Services na nag-ooperate ng tatlong websites na umano’y ibinebenta ang mga Filipina bilang asawa at sex commodities.

Sinabi ni Legarda na dapat ideklara bilang undesirable aliens ang mga ito at habambuhay nang hindi makakatuntong ng Pilipinas.

Nabatid na ang tatlong websites - www.filipina.com, www.Filipinawife.com at www.filipinalady.com - ay may mga catalogue umano ng mga Filipina na maaaring mapangasawa ng kanilang mga kliyente. Maaring makita ang mga websites na ito sa pamamagitan ng pagbabayad umano ng $2 (104) hanggang $60 (P3,120).

Binigyang-diin ni Legarda na sa ilalim ng Philippine Anti-Mail-Order Bride Law ay pinarurusahan ng anim hanggang walong taong pagkakulong at multang hindi tataas sa P20,000 ang sinumang sangkot sa ilegal na gawaing ito. Kung ang sangkot ay isang dayuhan ay mahaharap din ito sa deportation proceedings at maaari ring isama sa blacklist.

Pinagtibay ang naturang batas noong 1990 matapos na madiskubre na maraming Pinay na nahikayat ng mga mail-order bride advertisements ay naging prostitutes lamang o di kaya’y naging battered wives.

Karamihan umano sa mga nabiktima ay walang pinag-aralan at mula sa mga probinsiya. (Ulat ni Rudy Andal)

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

DAVIS PLACE INTERNATIONAL INTERNET SERVICES

DELANEY DAVIS

FILIPINA

LARRY PENDARVIS

LEGARDA

PHILIPPINE ANTI-MAIL-ORDER BRIDE LAW

PINAY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with