Ayon kay Piston president Medardo Roda, hindi na kailangan pang bumilang ng araw para sa pagpapatupad ng IT Code sa mga drug testing centers at dapat nang ipairal ito dahil marami nang drug testing centers ang nag-ooperate sa kasalukuyan na walang IT code.
Kapag may IT code ang isang drug testing center, legal ang operasyon nito at hindi mababalewala ang drug testing fee ng isang motorista na magpapa-drug test.
Kinondena rin ng Piston at Fejodap ang pagbibigay ng deadline na hanggang February 15 sa ibang drug testing centers para makakuha ng IT Code. Anila nagpapabalam lamang ito ng operasyon.
Bukod sa PRISM na kauna-unahang nakapag-comply sa IT Code requirements ng LTO, mayroon na rin nito ang NCR Bioscan Clinlab, Quickmed, MD clinlab, James Vann, Buendias Medical, Jkart, GPG San Antonio Lab, RCM biolab, YA clinlab, RF Diagnostic, RT Santos, Dr. Pablo Torre, Mactan Diagnostic, KCLM lab at CLVR lab. (Ulat ni Angie dela Cruz)